Showbiz News

READ: Thea Tolentino, nag-aaral ng Japanese para sa inaasam na role

By Felix Ilaya

Kakatapos lang gumanap ni Thea Tolentino bilang ang malupit na si Lucille sa Haplos. Maraming nagalit sa karakter ni Thea sa afternoon drama series na siya namang ikinatuwa ng Kapuso actress.

Nang makapanayam ng GMANetwork.com ang aktres, sinabi niya na ayos lang para sa kaniya ang makatanggap ng kontrabida roles.

Aniya, "Okay lang sa 'kin na ma-typecast as kontrabida [pero] para maging versatile actress ako, kailangan ko rin magkaroon ng iba't ibang klaseng roles. Kung puro hate yung [roles], mahihirapan ako na i-express through acting 'yung puro love." 

Sa kasalukuyan ay may pinaghahandaang role si Thea at ibang klaseng preparation ang kaniyang ginawa upang masungkit ito, "Mayroon akong gustong role na makuha. Kaya ngayon, nag-aaral ako mag-Japanese kasi kailangan marunong ako."

Dream role na maituturing para kay Thea ang secret project na ito dahil paborito niya ang Japanese culture. Kamakailan lang ay bumisita siya ng Japan at nagsuot ng kimono at cosplay. 

IN PHOTOS: Thea Tolentino visits Japan

 

 

Maliban sa Japanese-speaking role na ito, marami pang nilu-look forward si Thea this year at isa na riyan ay ang pagiging mas fearless at go-getter.

"This 2018, [sana] mas maging brave ako. 'Yung hindi na ako matatakot na mauna gawin 'yung isang bagay. Kung ano'ng maisip ko, gagawin ko na, hindi 'yung ipapagpabukas na lang. 'Yun 'yung gusto kong tanggalin sa sarili ko," wika ni Thea.