Showbiz News

EXCLUSIVE: Michael V, natakot ba na baka mapikon si Willie Revillame sa kanyang 'Kuya Wowie' spoofs?

By Marah Ruiz

Patok sa mga netizens pati na sa mga television viewers ang nakakaaliw na mga Kuya Wowie sketches ng Bubble Gang.

Tampok dito si Kapuso comedian Michael V bilang ang game show host na si Kuya Wowie, isang spoof ni Willie Revillame at ng kanyang programang Wowowin

Ayon kay Bitoy, confident daw siyang hindi ikagagalit ni Kuya Wil ang ginagawa niyang panggagaya rito.

"Alam ko namang sport 'yung tao kasi komedyante rin 'yun. We've met several times. We've talked several times. Hindi naman siya 'yung tipo ng tao na mapipikon sa mga ganoon kaya confident ako," pahayag ni Michael V sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Hindi raw niya talaga plinano na gawan ng parody si Willie. Nangyari raw ito bunga ng paggawa niya ng impressions sa popular na show host. 

"What we did was nag-i-impressions kasi ako. From time to time ginagawa ko rin sa creative meeting ng Bubble Gang. Naisip na lang ng writers ng creative group na gumawa tayo ng something about him. Let's do a sketch na magfi-feature ng mga ridiculous na scenarios na puwedeng paglagyan kay Kuya Wowie," paliwanag niya. 

Kumonsulta naman daw siya sa mga taong nakatrabaho ni Willie noon. "Ang dami ko ring tinanong na mga tao like sina Kim Domingo at Lovely Abella. Tinanong ko sila ng mga mannerisms ni Willie Revillame," ani Bitoy.

Bukod dito, madalas din daw niyang panoorin ang Wowowin.

"Lagi kapag nagte-taping kami, napapanood ko si Willie sa TV, naka-ere [ang Wowowin]. Ginagawa ko rin 'yung boses niya, the way he talks, pati 'yung mga galaw-galaw. 'Yun ang naging resulta. Natuwa naman daw siya," kuwento niya. 

Sa katunayan, pinasalamatan pa siya ni Willie sa mismong show nito.

 

Panoorin ang mga kinagigiliwang Kuya Wowie sketches dito: