
Marami ang nag-alala nang ipinost ng Kapuso teen star na si Mikee Quintos na kinailagan siyang isugod sa ospital.
READ: Mikee Quintos, thankful dahil sa sunod-sunod na proyekto sa GMA
Sa Instagram update ng magandang dalaga, nagkaroon siya ng allergic reaction sa antibiotics kaya dali-dali siyang isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig city.
Pero ayon sa Sirkus star na nasa maayos na siyang kalagayan.
“First time getting admitted, and it’s not so bad!! Hahahaha Thank you for all the prayers and messages, really appreciate it. ”
Bumuhos naman ang mga dasal at suporta ng mga celebrity friends ni Mikee tulad nila Michelle Dee at Kate Valdez na ang hiling ay ang madalian niyang paggaling.