Showbiz News

WATCH: Tom Rodriguez, binalak 'sulutin' ang boyfriend ni Lovi Poe

By Marah Ruiz

Bahagyang nag-open up si Kapuso dramatic actress Lovi Poe tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend sa programang Tonight With Arnold Clavio. 

Ayon kay Lovi, dito na raw sa Pilipinas naka-base ngayon ang kanyang Filipino-French boyfriend na si Chris Johnson. 

"Nakapagpa-move 'yung beauty ko. Joke!" natatawang pahayag ni Lovi. 

"Ikuwento mo! Norway 'yan—ay hindi—magno-Norway sana, nasa France," singit naman ni Tom Rodriguez na kasama ni Lovi sa guesting. 

Matipid ang mga detalyeng ibinigay ni Lovi dahil mas pinili niyang gawing pribado ang kanilang relasyon pero nahimok pa rin siya na ibahagi kung paano sila nagkakilala.

"Nagkakilala po kami dito sa Pilipinas. He was just here for a wedding ng isang kaibigan niya or pinsan po niya yata 'yun. We just met once and then hindi kami nag-stop mag-usap," kuwento ni Lovi. 

"Then, nagkita kami sa Paris when I went there—ibang event, wedding naman po 'yung pinuntahan ko. Noong nagkita kami doon, a few months after that, he moved here," pagpapatuloy niya. 

Nakilala daw ni Tom si Chris noong co-stars sila ni Lovi sa GMA Telebabad series na Someone To Watch Over Me. Bilang kaibigan, minarapat daw niyang kilatisin ang lalaking lumalapit sa aktres. 

"Sabi ko nga eh, STWOM 'to, parang kuya lang. Teka kausapin ko nga muna 'yan. Pagbalik ko, 'Lovi, 'pag 'yan hindi naging kayo, unahan kita,'" biro ni Tom. 

Kinabukasan daw, nakita niyang magka-holding hands na ang dalawa.

"Kasi ang bait [ni Chris]. Swerte sila sa isa't isa," ani Tom na tila sobrang boto sa relasyon ng dalawa. 

Panoorin ang feature sa kanila ng programang Tonight With Arnold Clavio: