Showbiz News

Bugoy Cariño, may pasaring sa pregnancy rumors nila ni EJ Laure?

By Maine Aquino

Hindi man direktang sinabi ni Bugoy Cariño kung para kanino ang kanyang mensahe sa kanyang Twitter post, marami ang nagsabi na ito ay tungkol sa issue na kanilang kinasasangkutan ni EJ Laure.

Saad ni Bugoy sa kanyang post, "Tatawanan ko nalang kayo."

 

 

 

Ilang netizens ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon. May mga nagsasabing kinakailangang magbigay ng statement si Bugoy para matuldukan na ang issue samantalang may ilan ring nagsabi na hindi niya kailangan magbigay ng pahayag dahil personal na bahagi ito ng kanyang buhay.

 

 

Nauna nang nagsalita si EJ Laure at nilinaw na walang katotohanan ang kumakalat na balita.

MUST-READ: EJ Laure, nagsalita tungkol sa balitang ipinagbubuntis niya ang anak ni Bugoy Cariño