Showbiz News

WATCH: Ilang Kapuso actresses, rumampa sa fashion show ng isang clothing brand

By Marah Ruiz

Nag-model sa runway para sa isang sikat na clothing brand ang mga Kapuso actresses na sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Megan Young, at Teresita Ssen "Winwyn" Marquez. 

Si Carla, aminadong may kaba sa ginawa niyang ramp modelling. 

"Mas sanay po ako sa pag-arte or sa photo shoot. Pero 'yung actual na pag-ramp, talagang hirap po ako diyan. Nakakakaba," kuwento ni Carla.

Lubos namang na-enjoy ni Gabbi ang partisipasyon niya sa event. 

"It feels so good to do ramp, especially for a brand that you're comfortable with. Talagang tine-test 'yung confidence mo whenever you do modelling," aniya. 

Rumapa din para sa fashion show na ito si Kapuso hunk David Licauco. 

Samatala, spotted naman sa event si Lovi Poe, Sanya Lopez, Ashley Ortega at Derrick Monasterio. 

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: