Showbiz News

Janine Gutierrez, umamin na may dine-date ngayon

By Bianca Geli

Sa naganap na magazine launch ni Janine Gutierrez kung saan siya ang summer cover girl, nagkuwento ang aktres tungkol sa buhay pag-ibig niya ngayon. Aniya, single daw siya pero may dini-date daw ito ngayon.

 

 

LOOK: #WeBelongTogether: The blooming romance between Janine Gutierrez and Rayver Cruz

 

“Opo [single] pero, dating. Pero isa lang naman po dini-date ko.”

Maraming netizens na rin ang nag-assume na ang aktor na si Rayver Cruz ang tinutukoy ni Janine dahil sa mga social media posts na magkasama ang dalawa. Hindi naman ito dini-deny ng aktres, nang tanungin kung sino ito, ang sagot ni Janine, “Yun pa rin po. Well, I think alam naman din po ng lahat 'yan.”

WATCH: BTS of Janine Gutierrez's magazine cover shoot

Nakatulong daw sa pakikipag-date niya ang pagiging supportive ng fans ng aktor at pagiging focused nilang parehas sa work. “Happy po ako kasi very supportive naman po siya, pati po ‘yung fans niya supportive sa akin so super thankful, and chill lang, work first, priorities first.”

LOOK: IN PHOTOS: Janine Gutierrez inks another contract with GMA Network