What's Hot

READ: Ano'ng reaksiyon ng pamilya ni Janine Gutierrez sa sexy magazine cover niya?

By Bianca Geli
Published March 15, 2018 2:20 PM PHT
Updated March 15, 2018 2:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Soberano says 'Forgotten Island' has plenty of Easter eggs for Pinoys
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa August 25, 2026 | Balitang Bisdak
Patricia Tumulak, TENDERISM ang pamanang recipe ng kanyang lola sa tuhod! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang sinabi ni Lotlot de Leon sa sexy magazine cover ng anak na si Janine Gutierrez?
 

A post shared by JANINE ???? (@janinegutierrez) on

 

Matapos mapag-usapan ang sizzling hot magazine cover ni Janine Gutierrez para sa Preview magazine, naghahanda na raw ito na magpa-sexy ulit.

Aniya, “I really enjoy fashion shoots po eh especially kapag beach kasi mahilig po talaga ako sa beach so na-enjoy ko po ‘yung mga swimsuit shoots and I think may gagawin pa ako ulit soon, so diet na naman ako.”

Nang tanungin kung isang magazine ulit ito, ang sagot ni Janine, “Hindi pa, pero hindi naman magazine, iba naman.”

READ: Janine Gutierrez, umamin na may dine-date ngayon

Dagdag pa niya, “Baka po may gawin akong movie pero inaayos pa po nila. So, kapag alam ko na po ‘yung details ikikuwento ko po.”

Naikuwento rin ni Janine na supportive daw ang pamilya niya sa magazine cover niya. “Super happy po sila. Ni-like nila agad ‘yung photos ko. When I showed it to them, my mom said na maganda.

Kuwento rin ni Janine, pinaghandaan daw talaga niya ang magazine shoot niya for Preview. “Kailangan mag-diet kasi beach shoot eh. Gusto ko mag-mukhang fit talaga, and I didn’t want to disappoint Preview and the people who will see the magazines. Nag-work out po ako 'tsaka diet talaga for the shoot.”

IN PHOTOS: Janine Gutierrez's launch party for magazine cover