Showbiz News

Beauty Gonzalez's funny post for netizens who dislike her swimsuit photos

By Aedrianne Acar

Summer is definitely here kaya naman ang celebrity mom na si Beauty Gonzalez sunod-sunod ang posts patungkol sa kaniyang beach escapades.

#PROUD: 26 celebs na aminadong retokada

Makikita sa Instagram account ng aktres ang ilan sa mga highlights ng kaniyang trip kung saan litaw ang kanyang kaseksihan.


Pero tila hindi lahat ng netizens ay nagustuhan ang mga sexy photos ni Beauty.

Kaya naman isang nakakatawang post ang sagot ng mestiza actress sa kanyang mga bashers na ayaw siyang i-unfollow sa Instagram.

“To all my ig followers na ayaw sa swimsuit pictures ko sa beach pero ayaw naman mag unfollow, eto sayo! Tara Swimming na tayo!! smile naman dyan!”