Showbiz News

LOOK: Dating bahay nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, nahanap ng fans

By Bianca Geli

Ibang klase ang skills ng ShaGab fans na nahanap ang dating bahay nina Ika-6 na Utos star na si Gabby Concepcion at Megastar Sharon Cuneta noong kasal pa sila.

#MulingIbalik: Sharon and Gabby's sweetest photos

Sa Instagram, ipinakita ng mga fans ang dating bahay ng nina Gabby at Sharon sa Ayala, Alabang Village. Napa-reminisce ang mga ShaGab fans nang makita ang bahay noon ng 80s’ love team.

Ayon sa isang ShaGab fan, “At dahil ang tahimik ng #ShagabCommunity ang isa po sa mga bago naming member ay naisipang puntahan ang Tita niya na nakatira sa may Ayala Alabang Village kung saan malapit lang din sa sinasabi noon ni Ate Sharon Cuneta sa comment niya sa nakaraan naming post dito sa #ArayatStreet. Syempre sinadyang hanapin ng ating kapatid sa pagka-#ShaGabAdik [kahit] mainit at talagang lumabas siya sa kotse niya at nilakad kung saan nga ba ang dating #HomeSweetHome ng #Shagab."

 

Ikinasal sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa isang secret civil wedding ceremony noong 1984. Naghiwalay ang dalawa matapos ang tatlong taon.