Showbiz News

#PinoyPride: New Gigi Aicelle Santos thanks the original Gigi Isay Alvarez

By Maine Aquino

Nagkaroon ng pagkakataon na maka-bonding ni Aicelle Santos ang original Gigi ng Miss Saigon na si Isay Alvarez.

Ayon sa kanyang post ay nakahingi siya ng ilang tips na kanyang babaunin sa nalalapit niyang pagganap sa Miss Saigon. Kasama rin nila ang asawa ni Isay na si Robert Seña, isa rin sa original cast ng Miss Saigon at ang fiance ni Aicelle na si Mark Zambrano. Aniya, "Nagbilin ang nanay sa tamang paggiling. Si tatay nagkwento kung gaano ka-exciting ang bagong lakbaying ito."

 

Dagdag pa ni Aicelle ay mayroon rin silang payo sa kanilang bagong buhay na tatahakin no Mark. "At marami pang payo tungkol sa buhay mag-asawa mula sa Nanay at Tatay namin ni mahal. Truly grateful for an @isayasena and @tataynimiong2 in our lives. We love you nay, tay!"

Puno ng pagmamahal at suporta naman si Isay sa kanyang anak-anakan na si Aicelle sa kanyang bagong journey sa kanyang career at buhay pag-ibig.

 

"Sending love and best wishes to this newly engaged couple and praying for a successful and happy time for Aicelle as she embarks on a new chapter in her life. I am very happy that she is going to do the same role I did 29 years ago."