Showbiz News

Ryza Cenon wins Yakushi Pearl Award at Osaka Film Festival

By Maine Aquino

Isang parangal na kumikilala sa husay ng Pinoy ang naiuwi ni Ryza Cenon mula sa Japan.

Ang Kapuso star ay ginawaran ng Yakushi Pearl Award o Best Performer ng Osaka Asian Film Festival 2018. Ang parangal na ito ay iginawad kay Ryza para sa pelikulang Mr. and Mrs. Cruz.

Punong-puno ng pasasalamat ang aktres sa parangal kung saan kinilala ang husay ng isang Pinoy pagdating sa pag-arte. Aniya, "Woohhoo!!! Thank you! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!! Hindi pa rin ako makapaniwala hahahah ganito pala feeling. Nakuha ko ang perlas para sa Pilipinas!"

 

 

Congratulations, Ryza!