Showbiz News

Barbie Forteza at Derrick Monasterio, umamin kung bakit hindi naging sila

By Bianca Geli

Umamin ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio kung bakit hindi sila nagkatuluyan.

Sa grand presscon ng Almost A Love Story kung saan bida ang dalawa, naikuwento nina Barbie at Derrick kung bakit hindi nauwi sa totohanan ang kanilang love team.

Paliwanag ni Barbie, “Kasi kami po ni Derrick, matagal na po kaming close, Tween Hearts pa lang. Tapos after nun nagkaroon kami ng chance na maging magka-love team. So maraming chances, actually. May mga times na lumabas kami and ayun, nagluto kami ng lasagna sa bahay niya with my parents.

“Kaya lang kasi parang na-realize ko na mas tumatagal ang friendship. Parang ang dami nang nangyari sa buhay ko, nandiyan pa rin talaga si Derrick. Ang dami nang dumaan, tapos si Derrick lagi pa ring nandiyan. Feeling ko good decision naman na naging almost a love story na lang kami.”

Nang tanungin naman si Derrick kung kuntento siya sa pagiging “almost” ng kanilang love story, ang sagot ng aktor, “Hindi po ako kuntento.”

Diretsahan namang tinanong na ni Barbie si Derrick tungkol sa pagiging TOTGA o The One That Got Away nito. Aniya, “So ako ba 'yung The One That Got Away mo?” Sagot naman ni Derrick, “Isa ka don.” Dalawa diumano ang naging TOTGA ni Derrick, at isa na rito si Barbie.

Paliwanag ng aktor kung ano ang meron kay Barbie kaya naging espesyal ito sa kaniya, “Kasi si Barbie lang ‘yung babaeng na-in love ako ng dalawang beses. Totoo 'yun. Dati kasi ayaw niya sa akin, so nung niligawan ko siya for the first time, binasted niya ako. Pero hindi ako sumuko. Na-in love pa rin ako sa kaniya."

Aminado rin ang aktor na hanggang ngayon ay may paghanga pa rin siya kay Barbie, ngunit mas priority nilang maging magkaibigan at maging mag-love team. “Actually hindi naman po ako nawalan ng admiration para kay Barbie. Na-set aside lang kasi working kami.”