Showbiz News

LOOK: Kapamilya actress Ria Atayde, nagandahan kay Mikee Quintos

By Aedrianne Acar

Angat ang ganda ng Kapuso teen star na si Mikee Quintos nang umattend siya sa debut ng Kambal, Karibal actress na si Bianca Umali noong March 17.

 

Kahit ang Kapamilya talent na si Ria Atayde, humanga sa ganda ng Sirkus star nang mag-upload siya ng selfie niya sa Instagram. Anak si Ria ng veteran actress na si Sylvia Sanchez at kapatid naman niya si Arjo Atayde.

 

 

Kamakailan lamang ay nag-host ang dalawa sa isang concert event na ginanap sa Saint Pedro Poveda College.