Showbiz News

WATCH: Celebrities, spotted sa Manila concert ni John Legend

What a legendary night!

Pinakilig at pinahanga na naman ng 10-time Grammy Award winner and multi-platinum selling singer-songwriter na si John Legend ang mga Pinoy sa kanyang Darkness and Light Tour Asia sa Smart Araneta Coliseum kagabi (March 21).

Kinanta ng American singer ang kanyang hit songs na “All of Me,” “Love Me Now,” “Beauty and the Beast,” and “Ordinary People.” Pinarinig din niya ang kanyang rendition ng “Like I’m Gonna Lose You” and “Lay Me Down.”

Ilan sa ating mga Kapuso celebrities ay naispatan sa Manila concert ni Legend tulad nina Contessa leading lady Glaiza de Castro at Inday Will Always Love You leading man Derrick Monasterio.

“Talagang soulful [siya]. Tinira niya talaga ‘yung kaluluwa ko at na-inspire ako ulit. Nalaman ko kung ano pala ‘yung passion, ganun ‘yung ginawa nila. Sulit ‘yung desisyon ko na pumunta ako ngayong gabi at humabol ako,” kuwento ni Glaiza sa Unang Hirit.

Ito naman ang pangalawang beses na pinanood ni Derrick ang kanyang idolo na bumisita rin noong 2015, “Welcome back! Kinakanta ko siya sa mga mall show ‘yung mga songs niya. I’ve seen him before [sa] first concert niya. Gusto ko lang ulit marinig ‘yung mga riffs niya.”

So much love naman ang naramdaman ng celebrity doctors na sina Hayden Kho at Vicki Belo sa kanilang date.

“Lots of beautiful songs. This is the first time we saw this concert. We’re very glad we came,” ani Hayden habang in love na in love naman si Vicki sa kanyang mister, “Romantic! We feel so much more love again.”

Pinasalamatan ni John Legend ang kanyang mga Pinoy fans sa isang Instagram post.

Video courtesy of GMA News

Photos by: johnlegend(IG)