Showbiz News

Patricia Tumulak, inamin ang dahilan kung bakit wala na siya sa 'Eat Bulaga'

By Aedrianne Acar

 

 

Change is inevitable.

Ganito isinilarawan ni Patricia Tumulak ang pag-alis niya sa longest-running noontime show na Eat Bulaga.

IN PHOTOS: Newly-signed talents of Artist Center na aabangan this 2018!

Ngayong Huwebes, March 22, pormal na ipinakilala si Patricia Tumulak sa isang event sa GMA Network Center bilang isa sa mga bagong talents ng Artist Center.

Sa kaniyang panayam sa miyembro ng GMA-7 media, nagbigay siya ng pahayag patungkol sa pag-alis niya sa multi-awarded noontime show.

Aniya, “For me timing is everything and change is good. Personal naman din siya, but I’m happy with the result, ‘yung mga dabarkads supportive sa akin.”

Umamin si Patricia na nakilala bilang HBD girl sa Eat Bulaga na nami-miss niya ang dabarkads sa Broadway Centrum.

Saad ni Patricia, “Siyempre nami-miss ko sila, iba ang live eh, iba ‘yung energy na nakakatawa and nag-uusap naman kami, so for me kailangan din, change is inevitable and everythings is temporary. So as long as it’s for the better, then go.”

Taos-puso rin ang pasasalamat ni Patricia sa mainit na pagtanggap ng bosses and staff ng GMA Artist Center sa kaniya bilang Kapuso.

“It took me quite some time, siyempre kailangan ko muna rest before saying yes to this one. So hindi pa ako makapag-comment kasi hindi pa nagsi-sink in, hindi pa ako nakapagsimula pero sana hindi naman drastic change compared before, pero mainit ‘yung pagtanggap from the staff kanila Ms. Gigi Santiago-Lara, super grateful.”