Showbiz News

Donita Nose, natupad ang pangarap na mabigyan ng GMA Artist Center contract

By Maine Aquino

Punong-puno ng positive vibes si Donita Nose nang siya ay sumalang sa meet and greet event para sa mga bagong Kapuso stars ngayong 2018.

Una niyang ibinahagi ang kanyang pasasalamat na isa na siyang Kapuso star ngayong 2018. Aniya, "Thank you of course to GMA for giving me a chance to be part of this network na sobra talagang nakaka-inspire."

 

IN PHOTOS: Newly-signed talents of Artist Center na aabangan this 2018!

Ayon kay Donita, isang blessing ito dahil bihira umano sa miyembro ng LGBT community ang nagkakaroon ng contract. "Sa tulad kong beki [o] bading, bihira talaga ang nabibigyan ng mga contract alam niyo na 'yun. Puro na lang extra-extra kung saan-saan. Pero thank you Lord, oh my God! Natupad na ang pangarap ko," bahagi niya.

Dagdag pa ng Kapuso comedian ay ito na ang kanyang pinakahihintay na opportunity. Kuwento ni Donita, "This is the time na mag-open ang doors para sa akin. Ito na 'yung araw kung saan mako-conquer ko na."