Showbiz News

WATCH: Former 'That's Entertainment' members, mapapanood sa 8th anniversary special ng 'Tonight With Arnold Clavio'

By Jansen Ramos

Ibinahagi ng former member ng That's Entertainment na si Chuckie Dreyfus ang behind-the-scenes ng kanilang taping para sa 8th anniversary special ng Tonight With Arnold Clavio.

Sa kanyang vlog na pinamagatang All Chucked Up, sinabi niyang '80s ang tema ng special episode kaya ang mga dating miyembro ng That's Entertainment ang napiling guests nito.

 

Makakasama ni Chuckie sina Sharmaine Arnaiz, Keempee De Leon, Isko Moreno, Donita Rose, Jojo Alejar, Nadia Montenegro at Ara Mina.

Mini reunion kung ito'y kanilang ituring dahil matagal na rin silang hindi nagkikita-kita. Saad ni Jojo, "Excited akong magpunta rito kasi sabi ko 20 years na yata tayong hindi nagkikita lahat."

Bukod sa kuwentuhan, ipinamalas din nila ang kanilang galing sa pagkanta at pagsayaw. Lumahok din sila sa games tulad ng 'Name That '80s Song' at 'Nasubukan N'yo Na Ba?'

Featured din ang ilang '80s memorabilia gaya ng beeper, cassette player at betamax.

Sa huling parte ng video, makikitang sumabak sila sa Bad Dog challenge.

Ipapalabas ang 8th anniversary special ng Tonight With Arnold Clavio na ito sa April 4 and 11, 10:15 p.m. sa GMA News TV.

Panoorin ang buong vlog dito: