Showbiz News

LOOK: Iya Villania asks Drew Arellano, 'Sino si Pam? Drew, please explain'

By Maine Aquino

Ikinagulat ni Iya Villania ang pangalang itinawag sa kanya ng panganay na anak na si Primo.

Ayon sa recent upload niya sa Instagram, tinawag niya si Primo na, "my clingy love." Bukod dito ay inilahad ni Iya ang nakakatawang tawag sa kanya ng kanyang anak. Ayon sa hashtags ni Iya ay tinatawag siya ng kanyang panganay na "Pam" kaya naman biniro niya ang kanyang asawa na si Drew Arellano. Ani Iya, "#HeCallsMePam #IdontKnowWhyWhenMamaWasHisFirstWord #SinoSiPam #DrewPlsExplain"


Ilang netizens naman ang naaliw sa post ni Iya at nagbigay ng kanikanilang mga opinyon. May mga nagsabi rin na ito ay baka combination ng papa and mama.