Showbiz News

MUST READ: John Estrada, malapit nang mapanood sa isang Kapuso show

By Michelle Caligan

Kinumpirma ni Ms. Redgie Acuña-Magno, VP for Drama ng Entertainment Content Group ng GMA Network, na magsisimula nang magtrabaho para sa Kapuso network ang actor na si John Estrada. Ito ay matapos tanggapin ng dating Kapamilya aktor ang alok na proyekto ng GMA. Ito ang unang pagkakataon na mapapanood siya sa isang Kapuso show.

Nag-post naman sa Instagram ang aktor ng larawan kung saan nagbabasa siya ng script para sa isang upcoming project.


Aniya, "Hi everyone, have a blessed and safe Holy Week. If you're wondering what I'm doing, I'm reading my week 1 script for my next project, exciting."

Abangan sa GMANetwork.com ang updates ng balitang ito.