Showbiz News

Bride of the Water God: Kilalanin si Habaek, ang ubod ng guwapong diyos ng tubig

By Gia Allana Soriano

Paparating na sa lupa ang diyos ng tubig upang hanapin ang mga makapangyarihang bato na makakatulong sa kanya upang maging hari ng mga kapwa niya diyos.


Ngunit bago ang kanyang paglalakbay ay binigyan siya ng payo na hanapin ang babaeng tagapagsilbi upang matulungan siya habang nasa mundo siya ng mga tao, pero ito ay tinanggihan ni Habaek. Kaya paano na lang kung pagdating niya sa siyudad ay biglaang mawala ang kanyang abilidad at kapangyarihan?

 


Mahahanap pa kaya niya ang mga bato? Matutulungan pa kaya siya ng kanyang tagapagsilbi? At matutupad kaya ni Habaek ang nakatakdang tadhana para sa kanya?

Abangan si Nam Joo Hyuk bilang si Habaek, ang diyos ng tubig na nag-uumapaw sa pagkabilib sa kanyang sarili. Ngayong April 11 na sa GMA Heart of Asia!