Showbiz News

READ: Ano ang sinabi ni Mariel Rodriguez kay Liezl Sicangco patungkol sa mga anak niya sa dating asawa na si Robin Padilla?

By Aedrianne Acar

Maganda ang relasyon ng dating asawa ni Robin Padilla na si Liezl Sicangco sa current wife niya na si Mariel Rodriguez.

IN PHOTOS: The Robin Padilla and Mariel Rodriguez love story

Matatandaan na halos 20 years na nagsama sina Robin at Liezl, pero nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa. Ibinahagi ng dating action star noong 2009 na magdadalawang taon na silang divorce ni Liezl noong taong 'yun.

May apat na anak sila at isa rito ay si Kylie Padilla na isa sa mga bankable stars ng Kapuso network.

Samantala ikinasal sina Robin at Mariel sa Taj Mahal sa India noong August 19, 2010.


Makikita sa Instagram ni Mariel Rodriguez ang naging palitan nila ng komento ni Liezl Sicangco kung saan pinuri ng celebrity TV host ang mga anak ni Liezl.