
Handang handa na ang mga Kapuso stars para sa Sikat Ka Kapuso concert na gaganapin sa New Jersey at sa Toronto ngayong weekend.
Lumipad na patungong Amerika sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Alden Richards, Betong Sumaya, Jennylyn Mercado at Lovi Poe para sa concert.
Excited na sina Jennylyn, Dennis at Lovi na mapanood ng mga Pinoy sa US at Canada ang kanilang performances.
"As promised, itong show na Sikat Ka Kapuso will definitely bring you back home," pangako ni Dingdong.
Handa na rin sina Alden at Betong na magdala ng saya para sa mga Kapuso abroad.
Mapapanood ang Sikat Ka Kapuso New Jersey sa April 7 sa Newark Symphony Hall. April 8 naman ang Sikat Ka Kapuso Toronto na gaganapin sa Sony Centre for the Performing Arts.