Showbiz News

WATCH: Kapuso stars magpapasaya ng mga Pinoys sa US at Canada

By Gia Allana Soriano

Magpapasaya sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Alden Richards, Lovi Poe at Betong Sumaya sa USA at Canada ngayong April 7 hanggang April 8 sa kanilang concert titled 'Sikat Ka, Kapuso.'

Kuwento ni Dennis, "Sila Jen meron silang mga dance number, kami may konting dance rin. May mga duet. Marami, eh. Kungbaga isa siyang variety show."

Dagdag naman ni Jen, "I-ta-try namin pasayahin lahat ng Filipino na manonood."

Excited din ang Kapuso Primetime King sa kanilang mga performances abroad. Aniya, "Matagal ko na siyang hindi nagagawa, and I'm very excited to do this in front of our Filipino audience."

Ika pa ni Lovi, "Mararamdaman mong you're close to your home talaga."

Inimbita naman nina Alden at Betong ang mga Kapuso abroad na panoorin ang nalalapit nilang show dahil tiyak na mag-e-enjoy silang lahat.

Panoorin ang buong report ng 24 Oras dito:

Video courtesy of GMA News