#ForeverKami: Luis Manzano slams netizen's comment on his relationship with Jessy Mendiola
Published On: April 06, 2018, 10:30 AM
Headline uli ng mga gossip blogsites ang naging reply ng TV host na si Luis Manzano sa isang comment ng netizen patungkol sa Instagram photo nila ni Jessy Mendiola.
READ: Luis Manzano goes beast mode after reading offensive comment against GF Jessy Mendiola
Makikita sa social media post ni Luis ang extra sweetness ng dalawa kung saan buhat-buhat niya ang kaniyang girlfriend habang nasa pool.
Pero ang netizen na si @jelia_sales09 may komento sa kanilang kilig post na hindi nagustuhan ng anak ng actress/politician na si Vilma Santos-Recto.
Bagama’t may negative post mang nabasa si Luis sa Instagram, nagawa pa rin maging positive at magbiro ng TV host patungkol sa maaaring engagement nilang dalawa ni Jessy in the future.