Showbiz News

MUST-SEE: Kapuso stars, dinumog at pinagkaguluhan sa 'Sikat Ka, Kapuso!' Toronto!

By Bea Rodriguez

Jam-packed at talagang inabangan ng ating mga Kapuso sa Toronto ang “Sikat Ka, Kapuso!” Canada leg ng ating GMA prime stars na sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Pambansang Bae Alden Richards, Ultimate Star Jennylyn Mercado, Kapuso Drama King Dennis Trillo, Premiere Actress Lovi Poe at Kapuso comedian Betong Sumaya.

 

Dinumog at pinagkaguluhan ang ating Kapuso stars sa Sony Centre for the Performing Arts, noong April 8.

Nagbigay saya at tawa ang ating mga naglalakihang mga bituin sa pamamagitan ng kanilang mga performances na tiyak na minahal ng ating mga Kapuso abroad.

Nagpakilig sina Dingdong, Alden at Dennis sa kanilang mga song numbers. Sexy performances naman ang ibinida nina Jennylyn at Lovi. Unli-tawa naman ang inihandog ni Betong sa mga manunuod.

 

 

Successful ang tour ng ating Kapuso stars sa New Jersey at Toronto. Maraming-maraming salamat, mga Kapuso!