Showbiz News

READ: K Brosas, pinatulan ang netizen na sinabing kawawa ang anak ni Pokwang nang kunin siyang ninang

By Aedrianne Acar

Hindi nagustuhan ng comedienne na si K Brosas ang naging komento ng isang netizen nang pilin siya ni Pokwang bilang ninang ng anak niyang si Malia.

Comedienne K Brosas fumes over bad service of spa & wellness center in QC

Makikita sa Instagram post ni K Brosas ang screenshot ng post ng netizen na sinabing nitong kawawa ang baby girl ni Pokwang dahil ninong at ninang niya sina K, Chokoleit at Pooh.

 

Heto ang naging sagot ng komedyante sa Instagram post ni @iambabelyne.

“Never ko pang ginawa to.. ang mag post ng ganito.. Di naman ako palaging patola... sensya na Ha pero dahil Dinamay mo inaanak ko at mga kaibigan/kumare ko @pooh_tik @hot_chokoleit .. deserve mo post ko na to.. at dahil Di mo pa rin sinasagot tanong ko “na bakit kawawa??” .. OO napaka gandang bata talaga si malia at isama mo na yung ina @itspokwang27 .. so anong kawawa sa bata kung kami ang ninong/ninang??”

Dagdag pa ni K Brosas, “Napaka sama naman ng ugali mo Kung ibabase mo SA itsura namin kung karapat dapat kami.. lalo na hindi ka naman KAGANDAHAN (profile pic mo teh) Buti sana kung nilagyan mo ng “joke lang po” o “chos” .. at kung magpapatawa ka dapat mas nakakatawa ka sa 4 na komedyanteng pinansin mo.. haaay! Nakaka sad na may katulad Mong tao.. ok Lang Kung sinabi mo na hindi ako maganda etc kc opinion mo yon, pero para husgahan mo kami bilang mga ninang eh kapatol patol ka! Sa mga followers ko sensya na ha.. Di ko napigilan.. ipagdarasal kita tehh @iambabelyne .. pero sa ngayon bigyan kita ng exposure! Palakpakan!! ”

 

Nagbigay ng opinyon si Pokwang sa sinabi ng naturang netizen. 

 

 

Ipinanganak ni Pokwang ang baby girl niya sa kaniyang American boyfriend na si Lee O'Brian nitong January 2018.