Showbiz News

WATCH: Maria Letizia sings 'Bahay Kubo' and 'How Far I'll Go'

By Jansen Ramos

Bumida si Baby Zia sa 10th founding anniversary celebration ng DongYanatics noong Linggo, April 15, sa Discovery Primea Hotel sa Makati.

Tila nag-concert pa ang royal baby at nagpakitang gilas sa pagkanta. Marami ang humanga dahil sa kanyang murang edad, kabisado na niya ang "Bahay Kubo." Kinanta niya rin ang "How Far I'll Go," ang pinakapaborito niyang soundtrack mula sa 2016 film na Moana. Sa kanyang huling performance, inawit naman niya ang popular preschool song na "Skidamarink"