Showbiz News

WATCH: Michael V on Robert Downey Jr.: 'Nayakap ko siya, ang bango niya!'

By Bea Rodriguez

Bumiyahe patungong Singapore ang ating Kapuso stars para makiisa sa “purple” carpet event ng Avengers: Infinity War na dinagsa rin ng maraming tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang Kapuso comedian na si Michael V ay personal pang nakilala si Iron Man Robert Downey Jr., “’Di talaga inaasahan. Medyo nayari ako ni Robert Downey [Jr.] kasama ng mga anim pang mga taga-iba-iba pang bansa. Nakita namin si Robert Downy Jr. live, in person, in the flesh. Nayakap ko siya [at] ang bango niya! (laughs)”

Naispatan rin sa nasabing event si The Stepdaughters leading man Mikael Daez na siyang “super fan” ng Marvel Comics superhero team, “Gustong-gusto kong nakikita silang lahat na magkasama eh.”

 

Naroroon rin ang All Access host na si Joyce Pring na nag-cover ng event kagabi, “It’s my first time [in an] international press junket as a broadcaster. Dati nag-aattend ako as a host pero ngayon to cover an event, iba pala ‘yung feeling.”

 

Ayon sa panayam ni Unang Hirit host Lyn Ching sa direktor na si Joe Russo, posibleng magkaroon ng Asian cast sa susunod na franchise ng pelikula, “Maaring magkaroon ng mga more diversified cast. Malay mo, magkaroon na ng Asian superhero. That would be good for us!”