Showbiz News

MUST-READ: Barbie Forteza at Derrick Monasterio, may agreement na magpakasal sa edad na 30?

By Bea Rodriguez

 

Labinlimang taon pa lang si Kapuso star Barbie Forteza noong nagkaroon sila ng kanyang Inday Will Always Love You leading man na si Derrick Monasterio ng kasunduan tungkol sa buhay pag-ibig.

Matatandaang ilang beses niligawan ng aktor si Barbie mula nang maging mag-love team sila sa Reel Love Presents Tween Hearts noong 2010. Almost a Love Story raw ang kanilang kuwento at nanatili silang magkaibigan.

Ibinahagi ng dalaga ang kanilang naging kasunduan ni Derrick, “There was one time na tipsy siya ta’s tumawag siya sa akin. Birthday niya yata iyon kasi uminom siya eh. Sabi niya, ‘Promise, ha? ‘Pag 30 years old na tayo at parehas naman tayong single, walang humahadlang, tayo na lang.’”
 
Sagot ng aktres sa panayam ng GMANetwork.com, “Noong time na iyon, napaisip naman ako. Sabi ko, ‘Hindi naman masama ang idea mo kasi magkaibigan rin naman tayo. Alam mo naman ang gusto ko sa hindi. O sige! Why not, ‘di ba?’”

“May ganun kaming agreement na [kung] parehas kaming free naman, may pinagsamahan naman na, [why not] para lang walang panghihinayanang,” dagdag niya.

Pagdating sa ganoong usapan, alam ni Barbie na seryoso at sincere si Derrick, “’Di ba merong kasabihan na kapag tumawag sa ‘yo ang guy na lasing siya, totoo iyon kasi parang may ginagawa ang alak na hindi ka niya pinagsisinungalingan [at] parang binibigyan ka niya ng confidence na ‘pag sober ka, hindi mo kayang sabihin.”