Showbiz News

#EpicParadise: First look at the wedding venue of Billy Crawford and Coleen Garcia

By Aedrianne Acar

Ilang oras na lang at magaganap na ang kasal sa pagitan ng celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa luxury island resort na Balesin Island Club.

May pasilip na rin ang kilalang wedding expert na si Gideon Hermosa sa magiging venue at preparation nila para sa kasal nina Mr. and Mrs. Crawford.

Kilala si Gideon bilang punong abala sa naging ceremony styling at bridal bouquet sa kasal ng Kapuso diva na si Rachelle Ann Go sa Boracay.

Heto ang ilang pasilip ni Gideon Hermosa sa Instagram account.

Idinaos naman kahapon ang welcome party para sa mga guests nina Coleen Garcia at Billy Crawford na all-white ang theme.