Showbiz News

#Blessed: Michael V, bakit kinilig kay Robert Downey Jr.?

By Felix Ilaya

#Blessed, 'yan ang pakiramdam ni Michael V pagkatapos siyang dalhin ng Disney Philippines sa press junket ng pelikulang Avengers: Infinity War.


Sa kaniyang latest vlog na #BitoyStory008, kinuwento ng Kapuso comedian ang kaniyang experience sa three day event kung saan nakahalubilo niya ang mga big stars ng film gaya ni Karen Gillan, Benedict Cumberbatch, at Robert Downey Jr.

Mapapanood rin sa vlog ang moment na sinorpresa siya mismo ni Robert Downey Jr. Kinilig naman si Bitoy nang mayakap niya ang idolo at naamoy pa nga!

Panoorin ang #BitoyStory 008 vlog ni Bitoy below para malaman ang mga nangyari during the press junket of Avengers: Infinity War. 


Magpo-post rin si Bitoy ng part two ng kaniyang vlog at dito mapapanood ang individual interviews niya sa mga artista, direktor, at producer ng pelikula.