Showbiz News

READ: Korina Sanchez's cryptic post on staying happy

By Aedrianne Acar

Galit ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa ginawang feature ng Rated K show ni Korina Sanchez sa pamilya nina James Yap at Michela Cazzola.

Kasalukuyang mainit ang isyu ngayon sa pagitan nina Kris at ex-husband nito na si James Yap dahil sa birthday message ng huli para sa anak nila na si Bimby.

READ: Kris Aquino reveals why James Yap doesn't see son: "Wala ka nang pakinabang kay Bimb"

Para kay Kris Aquino, isang sampal sa mukha ang ginawa ng show ni Korina Sanchez.

Saad niya, “Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas. Yes pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit. At ang ganti sa kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay... I apologize sa Kuya ko, humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar."


#ClashOfExes: Will Kris Aquino and Michela Cazzola's good relation survive the recent showbiz intrigue?

May cyptic post naman ang news anchor sa Instagram ngayong Lunes, April 23, pero hindi malinaw kung para kanino ito.


“Life is like a merry-go-round. Remember to ride with the eyes of a child & stay happy! Korina”

 

 

Makikita naman sa comment section ang palitan ng mensahe sa pagitan ng basher at supporter ni Korina Sanchez.

Maanghang ang naging post ng netizen na si @yca_80 laban sa news anchor, pero kaagad naman siyang dinipensahan ng netizen na si @lemjouriz29.

Makikita na nag-reply with three kiss emojis si Korina Sanchez sa ginawang pagtatanggol sa kaniya ni @lemjouriz29.