Showbiz News

LOOK: Kris Aquino, napasaya ng bulaklak na ipinadala ni Mayor Herbert Bautista

By Marah Ruiz

Sa gitna ng kaliwa't kanang kontrobersiyang hinaharap ni Queen of All Media Kris Aquino, isang simpleng regalo ang nakapagpasaya sa kanya.

Pinadalhan kasi siya ng kanyang ex-boyfriend at ngayon ay close friend na si Quezon City Mayor Herbert Bautista ng mga bulaklak. 

Ibinahagi ni Kris sa Instagram account ang ilang litrato ng mga bulaklak at nilapatan pa ito ng kantang "Getting To Know Each Other." 

"Hindi na po ako High Blood... thanks to #HB. #youhadmeatpeonies #lovelovelove ♥?♥?♥?," sulat niya sa caption ng kanyang post. 

 

Matatandaang sinita ni Kris ang birthday greeting ng dating asawang si James Yap para sa kanilang anak na si Bimby.

Bukod dito, nagpahayag din siya ang pagkadismaya sa dati niyang co-host na si Korina Sanchez dahil sa pag-feature nito kay James sa kanyang programa.