Showbiz News

Direk Jun Robles Lana: 'Hindi raket ang paggawa ng pelikula'

By Jansen Ramos

Nanawagan si Direk Jun Robles Lana sa lahat ng mga artista na ang paggawa ng pelikula ay hindi isang raket lamang.

 

Base sa kanyang Instagram post, dapat raw ay maging propesyunal ang mga ito sa kanilang trabaho dahil may napagkasunduang working hours at hindi pwedeng basta-basta na lamang silang i-release dahil may "ibang raket" pa sila.

"Eto ang kalakaran sa showbiz: pumayag ka na sa cut-off at working hours limit, hihiritan ka pa kung pwedeng i-release agad ang alaga nila sa shoot dahil may ibang raket pa sila. Kung may katiting tayong professionalism sa mga katawan natin, mahihiya tayong sabihing raket lang ang paggawa ng pelikula. Kaso ganito kagarapal ang showbiz," paglalarawan niya.

Dagdag pa ng direktor, pinagbubuhusan ng panahon ang paggawa ng pelikula at hindi ni-raket lang.

"Tapos nagtataka tayo kung bakit hindi kumikita ang mga pelikula natin ngayon? Mga pelikulang hindi naman talaga pinagbuhusan ng panahon at niraket lang? Ang kakapal naman nating mag-demand sa audience na maglabas ng pera para sa mga pelikulang raket lang para sa atin," matapang niyang sambit.