Showbiz News

WATCH: Jeric Gonzales, nag-audition din para sa title role ng 'Destiny Rose'

By Marah Ruiz

Isa daw sa paboritong proyekto ni Kapuso actor Jeric Gonzales ang paglabas niya sa hit GMA Afternoon Prime series na Destiny Rose. 

Alam niyo ba na ang matipunong si Jeric, nag-audition din pala bilang Destiny Rose?

"Hindi ko siya malilimutan kasi nag-audition din ako for that role—'yung Destiny Rose. Kami talaga ni Ken Chan 'yung naglaban sa final audition. Siya 'yung nananlo. Siya 'yung naging Destiny Rose," kuwento niya. 

Hindi man siya nakuha sa title role, pasok pa rin naman siya da drama bilang matalik na kaibigan ni Destiny Rose na si Vince. 

"Sobrang saya kasi 'yung reaction nila (ng mga manonood) doon sa role ko, natandaan talaga nila," ani Jeric. 

Bukod dito, memorbale din para sa kanya ang 2014 political thriller na Hustisya kung saan nakasama niya si Superstar Nora Aunor.

"Sobrang memorable kasi parang hindi siya superstar. Sobrang simple niyang tao. Sobrang down to earth," paglalarawan niya sa co-star.

Binigyan din daw siya nito ng isang tip sa acting. 

"'Yung tip niya nga sa akin sa pag-arte, parang wala lang. 'Wag kang mag-method, basta natural lang. Ganun ka simple pero 'di mo alam kung paano niya ginagawa 'yung sa kanya. Sobrang galing eh," kuwento niya. 

Panoorin ang feature sa kanya ng programang Tunay Na Buhay: 

Video from GMA Public Affairs