Showbiz News

LOOK: Kapamilya celebs humanga sa sexy IG photos ni Marian Rivera

By Aedrianne Acar

Sunod-sunod ang mga nakakabighaning Instagram photos ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera nitong mga nakaraang araw. 

Kahit tuloy ang mga artista sa rival network ng GMA-7, saludo sa pagiging sexy ng misis ni Dingdong Dantes.

#Palaban: Bikini-ready celebs with the most likes on Instagram this Summer 2018

Isa sa mga photo na pinag-usapan online hindi lamang ng mga netizens kundi pati mga celebrities ay ang hot red one-piece swimwear ni Marian Rivera.

Ilan sa mga celebrities na nag-comment sa post na ito ng Kapuso Primetime Queen ay sina Anne Curtis, Kim Domingo at Joyce Ching.

 

 

Pinuri din nina Angel Locsin, KC Concepcion at comedienne na si Pokwang ang sexy OOTD ni Marian last Sunday, April 29.