Showbiz News

#WhereIsMenggay: Bakit hindi napapanood sa 'Eat Bulaga' si Maine Mendoza?

By Aedrianne Acar

Maraming dabarkads ang nagtatanong kung bakit hindi napapanood ang Dubsmash Queen of the Philippines na si Maine Mendoza sa longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Ayon sa Triple AAA president na si Mr. Rams David na nagma-manage sa showbiz career ni Maine, kasulukuyan nagpapahinga ang kanyang alaga matapos tamaan ng diarrhea at dehydration.

Kung magtuloy-tuloy ang pagaling ng Phenomenal star ay asahan siyang mapapanood muli sa Eat Bulaga today, May 2.

Basahin ang buong statement sa lagay ng kalusugan ni Maine Mendoza.

 

Kahit nga ang Eat Bulaga superstar ay sobra nang nami-miss ang mga katrabaho niya sa noontime show.

Silipin ang kaniyang Instagram story patungkol sa Pamilya Nunal.