Showbiz News

WATCH: Aubrey Miles, dinepensahan ang naked photos nila ni Troy Montero

By Jansen Ramos

Dinepensahan ni Aubrey Miles ang pagpo-post nila online ni Troy Montero ng kanilang mga hubad na larawan na kuha sa Coron, Palawan.

Patuloy pa rin itong hot topic sa Instagram kung saan nakakuha ito ng iba't-ibang reaksiyon mula sa mga netizens. Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-post ang dalawa ng nakahubad. Naging trending din ang naked photos nila na kuha sa Batangas noong nakaraang buwan.

Paliwanag ni Aubrey, matatanda na sila at may karapatan sila kung ano man ang gusto nilang i-post online. "Sinasabi nila, 'Why do you have to post?' Sinasabi ko, 'Well, because we can.' We're old enough for an adult na kung ano ang gusto naming i-post at saka we actually do this every time we travel."

Panoorin ang buong report ni Luane Dy sa Unang Balita: