WATCH: Ang pag-uwi ni Aling Rosita
Published On: May 08, 2018, 05:12 PM
Updated On: May 08, 2018, 05:13 PM
Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), natunghayan natin ang istorya ni Aling Rosita.
Noong 1965, na-kidnap ang walong taong gulang na si Rosita. Dinala siya sa Maynila mula sa Davao del Sur, at ginawang katulong. Nakaranas siya ng pangmamaltrato mula sa kanyang mga amo. Makalipas ang mahigit 50 taon, ang tanging hiling na lang ni Aling Rosita ay makapiling muli ang kanyang pamilya.
Matupad kaya ito?
Panoorin sa KMJS ang storya ng kaniyang paghahanap sa nawalay na pamilya.