Showbiz News

LOOK: Throwback photo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon

By Cherry Sun

Isang throwback photo ng TVJ o nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang ibinahagi ng Henyo Master sa kanyang Instagram account.

Napa-reminisce si Joey nang kanyang i-post ang kanilang lumang litrato.

Aniya, “Discorama/Student Canteen days noong wala pa kaming pampagupit at pambili ng pang-ahit! Ngayon mas kailangan ng pang-ahit dahil maputi na ang (buhok).”

 

Dahil dito ay hindi rin naiwasan ng ilang netizens na alalahanin ang pinanggalingan nina Tito, Vic at Joey.