Showbiz News

Derrick Monasterio, biktima ng social media hacker

By Maine Aquino

Si Derrick Monasterio ay isa na sa mga Pinoy celebrities na biktima ng isang social media hacker.

Sa isang text message ay ipinarating ni Derrick na na-hack ang kanyang Twitter account na may username na @derrickleander. Aniya, "My Twitter account got hacked about 2 months ago. And someone’s been tweeting and retweeting stuff since then."

Ipinarating rin ng actor na sumama ang kanyang loob dahil nakuha sa kanya ang personal account kung saan puwede sana siyang magbigay ng updates sa kanyang mga followers.

"Mejo nakakaasar lang kasi i usually post updates on twitter as well and now I can’t do it anymore."