Showbiz News

READ: Maricris Garcia, nami-miss na ang La Diva?

By Felix Ilaya

Nagpakitang gilas ang Kapuso diva na si Maricris Garcia nang awitin niya ang "All I Ask" na pinasikat ni Adele sa media conference ng mga GMA Artist Center singers.

 

Habang nasa media conference, may isang miyembro ng press na nagtanong kay Maricris kung nakabuti raw ba ang pagkabuwag ng dati niyang singing group na La Diva na binubuo niya kasama sina Aicelle Santos at Jona Viray.

 

Ayon sa kanya, "Siguro partly nakabuti and partly hindi rin. Nakabuti siguro kasi this time, nagkaroon na kami ng kaniya-kaniya naming identity, nagagawa na namin 'yung kaniya-kaniya naming style and genre. 'Yung sa hindi nakabuting side, nakaka-miss kasi 'yung tatlo kayo. — Siguro ganoon talaga."

Kasalukuyang busy ngayon si Maricris sa kaniyang pagganap sa The Cure bilang Lena. Pinaghahandaan din niya ang kaniyang first solo concert na gaganapin this September.