Showbiz News

Nova Villa, saludo sa pagiging magaling na aktres ni Barbie Forteza

By Michelle Caligan

 

 

Todo puri ang co-stars ni Barbie Forteza sa upcoming primetime series na Inday Will Always Love You sa galing at professionalism ng young actress.

READ: Barbie Forteza, itinuturing na model-actress ni Ricky Davao 

Ayon kay Nova Villa, nakitaan na niya ng galing si Barbie dati pa, lalo na nang magkatrabaho sila sa Nita Negrita.

"Sa career, nakita ko ang pag-akyat ni Barbie. Kasi binigyan siya ng napakagandang break nang ginawa namin 'yung Nita Negrita. That was my first soap sa GMA. She was very young then, pero talagang makikitaan na natin siya ng kagalingan ng isang artista. And hindi na ako na-surprise na after that, tuloy-tuloy na ang career niya, tuloy-tuloy ang mga magagandang offers sa kanya. Saludo ako, she's a very good actress," pagbabahagi niya sa media launch ng Inday Will Always Love You noong Biyernes, May 11.

May advice din kaya siya sa dalaga sa usapang pag-ibig?

Aniya, "When it comes to love life, siguro kung lalapitan niya ako, or makita ko siyang naghihinagpis o tulala, hindi maka-dialogue, hirap mag-memorize, probably that's the time [na papayuhan ko siya]."