Showbiz News

EXCLUSIVE: Bakit nakikita ni Manilyn Reynes ang sarili niya kay Barbie Forteza?

By Bea Rodriguez

Sa pangalawang pagkakataon, gagampanan ni Kapuso star Manilyn Reynes ang papel ng pagiging ina sa kapwa niya Kapuso star na si Barbie Forteza.

Una niyang nakasama ang young actress sa hit kilig-serye na Meant To Be. Ngayong  Lunes (May 21) ay muli natin silang mapapanood sa romantic-comedy Primetime series na Inday Will Always Love You sa GMA Telebabad.

Si Dessa Magtibay ang ina ni Happylou Magtibay. Kwento ng aktres sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com, “Happy naman ang aming family, happy naman ako bilang nanay at happy naman akong tao, lalo na ang nanay ko [na] si [Leonor Magtibay] (Nova Villa).”

Ang ama ni Happylou ang magiging ugat ng tampuhan ng mag-ina. Kwento ni Manilyn, “Meron lang [tinatago] ang karakter ko [kay Happylou]. Ayokong inuulit-ulit niya. It’s about her father. Ayaw ko kapag mine-mention niya ang name or kung ano ang nangyari [kasi] medyo naiinis ako. Something happened in the past na ayaw ko na sana malaman niya pa.”

Samantala, nakikita raw ni Manilyn ang kanyang sarili sa multitalented actress. “Kapag si Barbie ang kasama mo, nonstop [ang talak]. Ganyan din ako, madaldal. It’s always fun and happy na kasama siya.”

Naiingit naman daw ang Kapuso star kapag nakikita niyang sandal-tulog si Barbie, o 'yung kakayahan na makatulog agad, kahit maingay pa sa kanilang set.