Showbiz News

LOOK: Dingdong Dantes reunites with his 'son'

By Felix Ilaya

Sa ginanap na 20th Gawad Pasado Awards last May 19 muling nagkita sina Dingdong Dantes at Kapuso child star Marc Justine Alvarez. Dito ay pareho silang nanalo ng mga parangal.

LOOK: Dingdong Dantes, Edgar Allan Guzman, at Alfred Vargas, wagi sa 20th Gawad Pasado Awards

Hindi pinalampas ni Marc Justine ang pagkakataon na makipag-selfie sa Kapuso Primetime King dahil dati na silang nagkatrabaho bilang mag-ama sa Ang Dalawang Mrs. Real.

 

Ani Marc Justine, "With my Daddy Anthony Real before and after. Medyo matagal-tagal din po tayong 'di nagkita Tito Dingdong Dantes. Thank you po dahil nagbigay ka pa rin po ng time kahit saglit lang po tayo nakapag-usap. Sana po magkita po ulit tayo. God bless po."

Nag-iwan naman ng words of encouragement si Dingdong para sa child star.