Showbiz News

LOOK: Sharon Cuneta reacts to KC Concepcion's post on waiting for your next love

By Aedrianne Acar

Maraming netizens ang natuwa sa komento ng Megastar na si Sharon Cuneta sa Instagram post ng anak na si KC Concepcion patungkol sa paghihintay sa susunod na pag-ibig.

Binigyang diin ng dalaga ang kahalagahan ng self love sa kanyang caption, "If you’re waiting for your next love, look in the mirror."

LOOK: Celebs react to KC Concepcion-Aly Borromeo breakup

Matatandaan na noong Marso 2018, umamin si KC na naghiwalay na sila ng former Azkal football superstar na si Aly Borromeo. Tumagal ng dalawang taon ang kanilang relasyon.


Silipin ang komento ni Sharon sa IG post ng kaniyang Mega daughter.