Showbiz News

WATCH: Julie Anne San Jose, kinilig sa birthday surprise ni Benjamin Alves

By Bianca Geli

Masaya raw ang birthday month ng My Guitar Princess star na si Julie Anne San Jose dahil punong puno ito ng blessings at sorpresa.

Ang pinaka-sweet na surprise para kay Julie ay ang pag-bisita ng boyfriend na si Benjamin Alves sa set ng My Guitar Princess para salubungin ang kaniyang birthday.

Nag-post din si Benjamin Alves ng kilig birthday message para kay Julie sa kaniyang Instagram.

 

Sobrang thankful din ni Julie dahil laging trending online ang My Guitar Princess. Aniya, marami pang nakakakilig na eksena na aabangan ang mga fans tulad ng isang kissing scene kasama si Gil Cuerva.

Hindi raw nagseselos si Benjamin sa kaniyang mga leading men. Ayon kay Julie, “Walang kaso sa akin kung sino man ang makatrabaho niya, wala rin naman po siyang kaso sa akin.”

Panoorin ang buong ulat ni Iya Villania mula sa 24 Oras: