Showbiz News

Ipapalabas na ang 'You're My Destiny' sa GMA Heart of Asia, ang kauna-unahang Thai drama sa Pilipinas

By Gia Allana Soriano

Ang kauna-unahang Thai series (also known as Lakorn) ay ipapalabas na sa Philippine TV via GMA Heart of Asia! Abangan sina Esther Supreeleela bilang si Martina at Wisetkaew Sukrit bilang si Paolo sa Thailand remake ng isa sa pinakaminahal nating Taiwanese series, ang Fated To Love You.


Si Martina ay nakilala bilang si "sticky note girl," dahil ang sticky note ay defined bilang isang bagay na ginagamit lang pagkailangan at napakadaling itapon pagtapos na gamitin.


Nagbago ang buhay ni Martina matapos niyang maka-accidental one-night-stand ang mayamang si Paolo. Si Paolo naman ang tutulong sa dating pushover at inuutos-utusang Martina na makapag-instant makeover.


Abangan ang You're My Destiny sa GMA Telebabad pagkatapos ng Inday Will Always Love You, ngayong June 4 na!