Showbiz News

Exciting ang weekend kasama ang 'Ben 10'

By Marah Ruiz

 

 

Isa na namang bagong kaibigan ang makakasama niyo sa inyong Saturday mornings.

Hatid ng GMA Astig Authority ang award-winning cartoon series na Ben 10!

Kuwento ito ng 10-year-old na si Ben Tennyson at ng pagbabago ng kanyang buhay matapos mapulot ang alien device na Omnitrix.

Bibigyan kasi siya nito ng abilidad na mag-transform sa iba’t ibang alien. Gamit ang bagong kapangyarihang ito, poprotektahan ni Ben ang mundo laban sa iba't ibang mga kaaway. 

Abangan ang Ben 10, 8:50 am bawat Sabado simula June 2, sa nag-iisang tahanan ng mga astig, GMA Astig Authority!

Tags:
ben 10